Parang kailan lang nung kami'y magkita-kita
mga kabataang di pa magkakakilala
nagsimula sa ngitian at pagpapakilala
ngunit ngayo'y magkakaibagan na pala.
Sa ilang taon ng aming pinagsamahan
marami na rin kaming pinagdaanan
awayan at tampuhan at pati na pag-iibigan
na kailanma'y di maiiwasan sa isang barkadahan.
Salamat sa inyo aking mga kaibigan
na nariyan lagi upang aking masandalan
sa lungkot at saya na ating pinagsaluhan
kayo'y tunay na kaibigan na dapat kong pahalagahan.
Sa pagsapit ng panahon ng ating paglisan
di pa rin kayo mawawala sa aking puso't isipan
pagkakabigan nati'y lagi kong pag-iingatan
kasama nitong ating munting LARAWAN.
Sinu-sino ba ang mga magiging barkada ko? Makakasundo ko kaya sila? Matatanggap ba nila ako bilang kanilang mga kaibigan? Ito ang mga katanungang naglalaro sa aking isipan nung ako'y bata pa lamang.
Ngunit sa pagdaan ng mga panahon, unti-unti kong nasagot ang mga katanungang ito. Masarap magkaroon ng isang tunay na kaibigan, isang kaibigan na di mo lang matatawag na kaibigan kundi isang totoong kaibigan na nariyan lagi sa tabi mo, kasama sa lungkot at ligaya, at karamay sa tuwi-tuwina. Nung nasa elementarya at sekundarya ako, nagkaroon ako ng mga kaibigan, ngunit kaibigan lang sa pangalangan, pero ganunpaman ay lubos akong nagpapasalamat sa kanila sapagkat tinuruan nila ako kung paanong pumili ng isang kaibigan, isang kaibigan na di lang sa pangalan kundi sa mas malalim pa nitong kahulugan.
Nung pumasok ako ng kolehiyo, mayroon akong mga nakilala na akala ko'y siya nang magiging kabigan ko. Ngunit habang lumalakad ang panahon at patuloy ang pag-usad ng kamay ng orasan ay nakilala ko ang hinanahanap kong kaibigan, ang kaibigang di lang sa pangalan, kundi "K-A-I-B-I-G-A-N" ko talagang matatawag. Ilang beses na akong nakagawa ng pagkakmali sa kanilangunit muli't muli ay nariyan ang kanilang dalawang bukas na palad para ako'y mling tanggapin. Hindi ko sila hinanap bagkus ay ang panahon ang siyang naglapit sa akin upang sila'y aking makilala at makasama sa pagharap ko sa tunay na kulay ng buhay. Ilang taon pa lamang kaming magkakasama ay alam ko na sa sarili ko na sila yung mga kaibigan na matagal ko ng hinahanap, kaya naman lubos akong nagpapasalamat sa Poong Lumikha at sila'y ibinigay sa akin. At sa munting tula na aking ginawa ay ipinakikita ko ang lubos kong pasasalamat sa pagkakaroon ng isang barkada na tulad nila, na tulad din ng isang larawan na kailaman di lilipas sa pagdaan ng mga araw.
jayson ds. nicodemus
No comments:
Post a Comment