Thursday, February 8, 2007

Ibang Klaseng Barkadahan

Nagsimula ang lahat sa wala, syempre naman no?, kahat naman ng bagay ay nagsisimula sa wala. Ika nga "wala lang!". Basta na lang kaming nagsama at nagkasundo-sundo. Marahil ay tinadhana kaming magkatagpo at magkasama-sama. Hindi naman namin inaasahan na ang pagkakaibigan namin ay tatagal at titibay ng ganito. Noong una, simpleng ngiti lang ang turan sa isa't isa, aba'y ng lumaon?sabay-sabay na kaming humahalakhak at ngakakasundo sa mga kalokohan.
Ang barkadang ito ay binubuo ng iba't ibang personalidad, kaya hindi ko akalain na magtatagal ang aming pagsasamahan. Biruin mo?, may kikay at maarte, may bakla, may tomboy, may seryoso, mayroon naman na wala lang, iyong parang ang motto niya ay "you just go with the flow". Kahit na iba-iba ang hilig, gusto, at trip ng bawat isa, hindi ito naging hadlang upang kami'y hindi magkaintindihan. Sa bawat panahon na kami'y nagkakasama, nakuha naming intindihin at unawain ang bawat isa, dahil rin siguro na sa bawat araw na kami'y nagkakasama, nakilala namin nang lubos ang isa't isa. At sa pagdaan ng panahon tinatak namin sa puso't isipan na kami'y magkakaibigan at walang anuman ang makakapagsira sa aming samahan, dahil mahal namin ang isa't isa.
Ang barkadahang ito ay kilala bulang magulo at masiyahin sa loob ng klasrum. Oo, aaminin ko na halos sa lahat ng oras, biro ang nasa isip namin. Kahit na seryoso ang karamihan, kapag kami ay humirit at bumanat na, asahan na ang malalakas na tawa. Pero syempre "we cannot please everybody" mayroon ding naiinis sa amin. Anyway bahala na sila, basta ang alam namin, masaya kami.Period. Bagaman kilala kami sa loob ng room bilang barkadang magulo at puno ng kalokohan, hindi kami papatalo pagdating sa academic performance. Hindi kami basta-basta dahil kilala rin ang grupo namin bilang masipag at hindi nagpapabaya sa pag-aaral. Kinacareer namin ang bawat exam, project, at kung anu-ano pa na may kinalaman sa pag-aaral namin.
Gaya rin na ibang barkadahan, minsan nakakaranas kami ng pagsubok. Minsan ay mayroong di pagkakaintindihan, kaya di maiiwasan ang awayan. Pero hindi namin hahayaan na iyon ang maging dahilan ng aming pagkabuwag, kaya inaayos namin ito kaagad. Isa pang pagsubok ay ang pag-alis ng ilan, dahil sa may mabigat na dahilan, ngunit ika nga "life must go on". Ang mahalaga ay naging parte sila ng aming ibang klaseng barkadahan. At hindi namin sila malilimutan kailanman.
Ang barkadahang ito ay nagdadamayan, lalo sa oras na may problema sa pamilya o kaya ay sa buhay pag-ibig. Dito ko masasabi na ang barkadahang ito ay nagdadamayan at nagtutulungan. Hindi namin hahayaan na ang bawat isa ay malunod sa kalungkutan, bagkus iisp kami na kaya naming paraan upang malutas ito, at upang muli naming masilayan ang ngiti sa mukha, nang kung sinuman ang nakakaranas ng kalungkutan.Nagpapatunay ito na nagiging lakas namin ang isa't isa.
Hindi matatawaran ang barkadahang ito. Sa tagal na nang aming pagsasamahan o mas masasabi kong pagmamahalan, lalo kaming tumitibay, dahil hindi lang kami magkakaklase, o magkakaibigan, kundi kami'y magkakapatid. Tunay na magbabarkada yan kami...Hiling ko lang na, na ang ibang klaseng barkadahang ito ay hindi kumupas hanggang sa pagdaan ng panahon...
-mAdz-
Mutuc, Madel S.

No comments: