Monday, February 12, 2007

" Barkada, Noon at Ngayon "

Sabi ng iba barkada daw ay isang hindi maganda na halimbawa sa mga kabataan. Para sa kanila angn barkada ang nagdaadla ng kapahamakan sa buhay ng isang tao. Lalo na kapag ang kabarkada mo ay tambay at hindi nag-aaral, sinasabi kaagad nila na walang maidudulot na kabutihan ang mga kabarkada mong iyan. Ang hindi nila alam na malaki rin ang naidudulot ng barkada sa buhay ng isang tao dahil nadyan sila kapag may problema ka. Nasa sa iyo naman iyon, ang pagpili ng barkada, kung gusto mo talagang sumama sa mga taong alam mo na walang ginagawang maganda ay doon ka.
Katulad ng barkada namin ay masasabi kong may naidudulot na maganda sa bawat isa sa amin. Dahil kahit mga pasaway kami ay seryoso naman kami sa aming pag-aaral at kapag nagkakasama kami ay palaging nagkakatawanan, pero pag oras na ng pag-aaral ay nakapokus lang kami sa dapat naming aralin, isinasantabi muna namin ang mga kaharutan. Kapag may problema ang isa sa amin ay kaagad naming tinutulungan para maayos namin kaagad. Hindi ko akalain na mahaba na rin pala ang pinagsamahan naming magkakaibigan dahil nong first year ay basta lang kami nabuo, hanggang sa nakilala namin ang ugali na bawat isa, kahit na maarte, malandi, tomboy at bakla ay magkakasundo kami sa ibang bagay wala naman kaming nakikitang problema sa kanila dahil alam naman namin na ganoon lang sila pero mababait at totoong tao sila. Labingtatlo kaming magkakaibigan noon, dahil sa hirap ng buhay, ang iba namin barkada ay huminto na sa pag-aaral. Ang iba naman ay lumipat ng paaralan at ang isa ay nag-asawa na, kaya walo na lang kaming magbabarkada ngayon, pero kahit hindi man namin sila makasama ay nagkikita naman kami kapag may oras sila at kung hindi rin kami busy sa aming pag-aaral at kapag magkikita kami ay walang hanggang tawanan at kwentuhan.
Kahit hindi namin sila kasama ay bahagi parin sila ng " poohdle group " dahil kaibigan pa rin namin sila. Hindi kami mga aso ha!..... iyan lang ang gusto namin tawagan ng aming barkadahan..............
= Andrade, Leny D. =

Sunday, February 11, 2007

GITARA

Sa simula'y nais kong ito'y patugtugin
At lumikha ng isang awitin
Sa una'y wala sa tono
Pero nang tumagal ito'y nagkahimno
Dito sa aking awit, ikaw oh gitara
Ang siyang nagbigay ng kulay at ligaya
Dahil sa musika na iyong nililikha
Dito sa aking piling ayaw ko na ika'y lumisan pa
Sana ikaw na, oh gitara ang lagi kong kapiling
At siyang magbibigay saliw sa awiting aking lilikhain
'Pagkat dito sa aking awit ika'y bahagi na
At mananatiling kasama panghabangbuhay pa
Pangako ko sa iyo, ika'y iingatan
'Pagkat iyong ganda'y di mapapantayan
Laging ikaw ay kasama
Sa bawat kulay na aking madarama
Kahit na may oras, na ika'y wala sa tono
O minsan pa ay palyado at wala sa tiempo
Pero kahit magkagayon man
Ating pagsasama, ay hindi matitinag kailan man.
_lEa_
Felizardo, Leandra V.

"WALA BANG PROPESOR NA SINGLE?"-famous line ko

"Boom-Larin-Larin, Larin-Larin-Boom-Boom-Boom". Ito ang sikat at unang kanta ng aming barkada para sa aming propesor na si Sir. Larin, siya ang guro namin sa asignaturang Malikhaing Pagsulat na konektado sa blog na ito at sa ginagawa ko ngayon. Sa totoo lang bago pa namin maging guro si Sir. Larin napansin na namin ni Julie ang angking ka-cutan niya,noon pa lang sa SAMAFIL election ay napansin na namin siya, isa ring dahilan ay sa bagong hired siya sa Filipino Department. Noong una medyo-medyo lang ang paghanga namin sa kanya (Ako at si Julie) pero hindi nagtagal parang lagi namin siyang inaabangan, minsan nga ay sinusundan pa namin nang pasimple si Sir. pero mas lalong humanga kami kay Sir. at take note hindi lang kami ni Julie, kahit ang iba pa naming kabarkada, tulad nila Rita, Edielyn, Madel, Jainey, Leny at si Jayson ay humanga rin sa kanya dahil sa mga bagong pamamaraan niya sa kanyang pagtuturo, at siya nga pala, hindi lang sa aming barkada ang natutuwa sa kanya, kahit ang iba pa naming kamag-aral ay natutuwa sa paraan ng kanyang pagtuturo at nahuhumaling din sa kanya, dahil sa open at handa siyang makipagbiruan sa amin, kumbaga pantay lang ang tingin niya sa amin, walang "Oy! Guro ninyo ako, igalang niyo ako." parang ganun, pero hindi dahil naman sa malapit siya sa mga estudiyante niya ay hindi na namin siya iginagalang, siyempre alam din namin ang aming mga hangganan, kung biruan, biruan, pero kung pag-aaral at pagsusulat, kailangan seryoso, pero sa tingin ko pa rin, puro biruan at kalokohan ang ginagawa namin, pero huwag ka may matututunan at bagong karanasan ka pa, ginagawa kase niyang madali at masaya ang bawat gawain namin. Masaya at masarap na magkaroon ng gurong tulad niya, hindi ka magsasawang pasukan ang kanyang klase at hindi ka pa maiinip at laging kaabang-abang ang mga ipapagawa niya sa amin, kung pwede nga kumuha ulit ng asignaturang ito, baka ngayon pa lang ay mag-enrol na ako, basta siya ang propesor.

Halata naman na sa aming barkada, Ang Poohdle, ako ang mas natutuwa sa kanya, alam na iyon ng lahat, ang dahilan kung bakit, kaya nga sa barkada namin ang kantang iniaalay namin sa kanya ay ang "Boom-Larin-Larin." Pero mas sikat na ngayon sa aming barkada ang linyang "wala bang propesor na single?!" sa akin mismo nanggaling ang linyang ito. Nakakahiya mang sabihin ito sa kanya nang harapan, kailangan lang eh! kasama kase ito sa pag-gra-grade niya sa amin. Wala, hindi ko alam kung bakit iyon ang aking naisip na isulat, hindi ko naman alam na sasabihin iyon sa harap pa niya (tingnan niyo, kung anu-ano yung ginagawa namin, pero masaya!) ayun, sinabi ko ang linya ko sa kanya at with feelings pa. (hehe..)

Ewan ko ba?, at bakit ba kami ng mga kaibigan ko, uulitin ko, sina Julie, Rita, Madel, Edielyn, Jainey at Leny ay talagang na-cu-cutan sa kanya kahit na minsan ay magulo siya (hehe) ... magulong magbigay ng panuto (hehe)...pero okay lang iyon, lahat naman tayo minsan ay nagkakagulo, este, magulong magpahayag ng nais nating sabihin. Basta ang masasabi ko lang, "KUNG MAGKAKAROON MAN NANG PAGKAKATAONG MAKATAGPO NG ISANG PROPESOR, SANA YUNG SINGLE NA AT TULAD NI SIR..." nakss..(hehe..) May part II pa ito, pakihintay na lang. (hehe..)
_lEa_
Felizardo, Leandra V.

Friday, February 9, 2007

Kapamilya, Kapatid, KABARKADA (KKK)

Ayon kay Aristotle "man is a political animal", na ang ibig sabihin ay, ang tao ay di pwedeng mag-isa sapagkat "no man is an island". Ang tao ay likas na hahanap ng katuwang sapagkat kailangan nito ng seguridad at proteksiyon. Sa usapin naman ng pamilya (pinakamaliit na yunit ng lipunan), ang isang tao ay nabubuo, nahuhubog, at nagiging ganap dahil sa matatag na pundasyon ng tahanan kasama ng mga "grupo" na nagkakaisa at nagmamahalan sa loob ng bahay. "eh, ano naman ang kinalaman nito tungkol sa barkadahan?", "maituturing rin ba silang pinakamaliit na yunit ng lipunan gaya ng pamilya?". Oo, bahagi pa rin sila ng isang pamilya kung ating susuriin. Hindi man sila galing sa iisang dugo at laman, magkakapamilya pa rin sila sa puso't diwa, pananalig, at interes.
Habang ang isang samahan ay tumatagal, lalo itong tumitibay at nagiging bakal, "bakal" sapagkat di ito madaling masira o kaya'y matinag ng kahit na anong pwersa lang. Ngunit di lahat ng samahan ay nagiging masaya, mayroon rin namang ibang di nagtatagal, marahil di lang ganap ang tiwala at pananalig ng bawat miyembro nito, ngunit mayroon rin namang nagtatagal at nagiging matatag , marahil dahil na rin sa kanilang tiwala sa isa't isa at respeto sa bawat miyembro. Napakasayang isipin na kahit na sa kaunting panahon lamang ay nakilala niyo ang bawat isa. Sa isang tulad ko na may sinasamahang barkada, masasabi kong napakasarap ng may mga taong nagmamahal, nagpapahalaga, naniniwala, at tanggap ka bilang ikaw bukod pa sa iyong pamilya. Ngunit masasabi ko ring malungot sapagkat sa ayaw mo man at sa gusto, di naman habang buhay ay makakasama mo sila. Darating at darating rin ang panahon na kailangan niyong tahakin ang kanikaniya niyong buhay at pagbutihin ang inyong mga "career". Tiyak! dahil na rin sa kabutihan ng Diyos, magtatagpo rin ang inyong mga landas. Sa inyong muling pagkikita, taglay niyo na ang bagong kayo ngunit nananatili pa rin sa inyong mga puso ang alaala ng bawat isa, at masaya niyo ring gugunitahin ang inyong mga nakalipas na alaala, ang inyong mga kasiyahan, kalokohan at kalungkutang inyong napaglabanan na nagpatibay sa inyong samahan.
=Jainey M. Bautista=

Thursday, February 8, 2007

LARAWAN

Parang kailan lang nung kami'y magkita-kita
mga kabataang di pa magkakakilala
nagsimula sa ngitian at pagpapakilala
ngunit ngayo'y magkakaibagan na pala.
Sa ilang taon ng aming pinagsamahan
marami na rin kaming pinagdaanan
awayan at tampuhan at pati na pag-iibigan
na kailanma'y di maiiwasan sa isang barkadahan.
Salamat sa inyo aking mga kaibigan
na nariyan lagi upang aking masandalan
sa lungkot at saya na ating pinagsaluhan
kayo'y tunay na kaibigan na dapat kong pahalagahan.
Sa pagsapit ng panahon ng ating paglisan
di pa rin kayo mawawala sa aking puso't isipan
pagkakabigan nati'y lagi kong pag-iingatan
kasama nitong ating munting LARAWAN.
Sinu-sino ba ang mga magiging barkada ko? Makakasundo ko kaya sila? Matatanggap ba nila ako bilang kanilang mga kaibigan? Ito ang mga katanungang naglalaro sa aking isipan nung ako'y bata pa lamang.
Ngunit sa pagdaan ng mga panahon, unti-unti kong nasagot ang mga katanungang ito. Masarap magkaroon ng isang tunay na kaibigan, isang kaibigan na di mo lang matatawag na kaibigan kundi isang totoong kaibigan na nariyan lagi sa tabi mo, kasama sa lungkot at ligaya, at karamay sa tuwi-tuwina. Nung nasa elementarya at sekundarya ako, nagkaroon ako ng mga kaibigan, ngunit kaibigan lang sa pangalangan, pero ganunpaman ay lubos akong nagpapasalamat sa kanila sapagkat tinuruan nila ako kung paanong pumili ng isang kaibigan, isang kaibigan na di lang sa pangalan kundi sa mas malalim pa nitong kahulugan.
Nung pumasok ako ng kolehiyo, mayroon akong mga nakilala na akala ko'y siya nang magiging kabigan ko. Ngunit habang lumalakad ang panahon at patuloy ang pag-usad ng kamay ng orasan ay nakilala ko ang hinanahanap kong kaibigan, ang kaibigang di lang sa pangalan, kundi "K-A-I-B-I-G-A-N" ko talagang matatawag. Ilang beses na akong nakagawa ng pagkakmali sa kanilangunit muli't muli ay nariyan ang kanilang dalawang bukas na palad para ako'y mling tanggapin. Hindi ko sila hinanap bagkus ay ang panahon ang siyang naglapit sa akin upang sila'y aking makilala at makasama sa pagharap ko sa tunay na kulay ng buhay. Ilang taon pa lamang kaming magkakasama ay alam ko na sa sarili ko na sila yung mga kaibigan na matagal ko ng hinahanap, kaya naman lubos akong nagpapasalamat sa Poong Lumikha at sila'y ibinigay sa akin. At sa munting tula na aking ginawa ay ipinakikita ko ang lubos kong pasasalamat sa pagkakaroon ng isang barkada na tulad nila, na tulad din ng isang larawan na kailaman di lilipas sa pagdaan ng mga araw.
jayson ds. nicodemus

Picture

Barkada,Barkada, Barkada!... Sabi ni nanay malaki na ang ipinagbago ko dahil sa barkadang yan. Hindi ko maunawaan kung ano ang pagbabagong kanyang sinasabi. Hindi naman ako naging pasaway o naging suwail na anak at ni hindi ko nga siya mapagtaasan ng boses kahit na ako'y kanyang sinesermonan kung minsan. "Siguro wala nang maisip sabihin si nanay sa akin kaya kaya nasabi niya yun," patawa kong sabi sa aking sarili. Sa araw-araw kong ruta sa aking buhay, aalis ng bahay papuntang eskwelahan at uuwi pagkatapos ng klase, wala naman akong ginagawang masama pero 'di ko pa rin lubos maisip kung bakit pinupuna niya ang aking barkada.
Sino nga ba ang barkadang minsang napuna ni nanay? Sila ang mga kaibigan na araw-araw kong kasama sa oras na ako'y nasa eskwelahan. Tatlong taon na rin ang bonding namin at para sa akin, napuno ng kasiyahan ang aking buhay dahil sa kanila. Daig pa nga nila ang mga kapamilya ko dahil mas mahabang oras ko sila kasama. Mula pa nang kami'y nagkakilala, saksi ang lente ng kamera sa lahat ng tawanan at mga ginagawa namin sa loob at labas ng eskwelahan. May nakangiti, may nakasimangot, may natural lang at may matamlay, yan ang mga expression na makikita nyo sa amin sa oras na inyong makita ang aming mga picture. Nakakatawang isipin na sa pamamagitan ng mga litratong ito, nakita namin ang pag-unlad ng aming mga sarili dahil kasabay ng pagdami ng mga litratong ito bawat taon, ay ang pagdami ng mga karanasan namin na bunga ng aming pagsusumikap. Tunay ngang napakasarap ng may barkada, sa oras na gusto mo nang sumuko sa dami ng mga project at mga bayarin na talaga namang nagpapasakit sa ulo naming mga estudyante, nandyan sila upang mag-advice at mang-aliw.
Isang gabi, habang pinagmamasdan ko ang aming mga picture, nagulat ako sa tinig na biglang nagsalita, "Naku po, may bago na naman sigurong idadagdag na picture," tinig pala iyon ni nanay!...Labis kong ikinagulat ang bigla niyang pagsulpot, ano ang ibig niyang sabihin? alam niya ang tungkol sa aming mga litrato? Tumabi siya sa aking kinauupuan at tiningnan ang aming mga picture...."Sabi na nga ba may nadagdag na naman," wika nya. "Ha? ibig sabihin nakita nyo na yan lahat?" tanong ko sa kanya. "Oo naman, kaya alam ko kapag may nadagdag dito. Malaki nga ang pasasalamat ko sa mga litratong ito, dahil sa pamamagitan nito, nakita ko ang iyong pagbabago at pag-unlad na pansarili kasama ang iyong mga barkada. Kahit 'di kita nakakasama ng mahabang oras, alam kong nae-enjoy mo ang iyong buhay sa pangalawa mong tahanan:ang eskwelahan, dahil may itinuturing ka doong isa pang pamilya at iyon ang iyong mga kaibigan." Nagulat ako sa sinabing iyon ni nanay, at noon ko lang napagtanto kung bakit niya napuna ang aking barkada. Kaya pala!....
- Natividad, Maria Rita D.-

Dabarkadz_freE laNcer i hVe d rYt atT2de 2b a member oF dis cOmpany

-aNg samahan ng mga magkakaibigan ay nagsimula sa unang klase ng kolehiyo taong 2004. noOng umpisa Ay hindi pA kami mAgkAkakilala nGunit dahil pareho kami ng iNterEs ay mADali kAming nagkasundo, lalo na sa mGa kagagUhan, at syEmpre pati sa pAg-aaRal, ngUnit aKo ay mEdyo PASAWAY nGunit mAy naitatAgong KABUTIHAN,KAGANDAHAN,at TALENTO kAhit konti. minsan ay di maiwasan aNg pAgkaKaTampuhan laLo na Sa mGa baGay nA pErsonal hal. mAY pRoblema ako nA AYAW kOng sAbihin sA kabarkada kO kAya iisipiN n'La ayAw ko s'Lang pAgkatiwalaan pEro aNg tOtoo aY mAsyado lAng itong persOnal kAya diko iTo masabi. sA kAnila kO nAkiTa aNg mGa bAgaY nA guSto kOng mAkita sA iSang SAMAHAN yoNg tipoNg aLam nila nA mEdyo tagilid kAna aT naNdyan siLa parA pAgsabiHan, pAngaraLan sA mGa bAgay nA dApat kOng ituwid. sA samahang ito rin nakita At naipakita ang aking kabuluhan. dAhil sa kaNila aY naging bUo ako daHil naipapAkita kO aNg tunay nA ako nAng WALANG pAg aaLinlangan AT walang PANGAMBA. nAg SILBI na rin silang ikalawang TAHANAN daHil di man kami GALING sa iisang DUGO AT LAMAN ay tunay naman KAMING magkakapAtid sa puso at diwa....
- Concepcion, Edielyn Loyola-

Ibang Klaseng Barkadahan

Nagsimula ang lahat sa wala, syempre naman no?, kahat naman ng bagay ay nagsisimula sa wala. Ika nga "wala lang!". Basta na lang kaming nagsama at nagkasundo-sundo. Marahil ay tinadhana kaming magkatagpo at magkasama-sama. Hindi naman namin inaasahan na ang pagkakaibigan namin ay tatagal at titibay ng ganito. Noong una, simpleng ngiti lang ang turan sa isa't isa, aba'y ng lumaon?sabay-sabay na kaming humahalakhak at ngakakasundo sa mga kalokohan.
Ang barkadang ito ay binubuo ng iba't ibang personalidad, kaya hindi ko akalain na magtatagal ang aming pagsasamahan. Biruin mo?, may kikay at maarte, may bakla, may tomboy, may seryoso, mayroon naman na wala lang, iyong parang ang motto niya ay "you just go with the flow". Kahit na iba-iba ang hilig, gusto, at trip ng bawat isa, hindi ito naging hadlang upang kami'y hindi magkaintindihan. Sa bawat panahon na kami'y nagkakasama, nakuha naming intindihin at unawain ang bawat isa, dahil rin siguro na sa bawat araw na kami'y nagkakasama, nakilala namin nang lubos ang isa't isa. At sa pagdaan ng panahon tinatak namin sa puso't isipan na kami'y magkakaibigan at walang anuman ang makakapagsira sa aming samahan, dahil mahal namin ang isa't isa.
Ang barkadahang ito ay kilala bulang magulo at masiyahin sa loob ng klasrum. Oo, aaminin ko na halos sa lahat ng oras, biro ang nasa isip namin. Kahit na seryoso ang karamihan, kapag kami ay humirit at bumanat na, asahan na ang malalakas na tawa. Pero syempre "we cannot please everybody" mayroon ding naiinis sa amin. Anyway bahala na sila, basta ang alam namin, masaya kami.Period. Bagaman kilala kami sa loob ng room bilang barkadang magulo at puno ng kalokohan, hindi kami papatalo pagdating sa academic performance. Hindi kami basta-basta dahil kilala rin ang grupo namin bilang masipag at hindi nagpapabaya sa pag-aaral. Kinacareer namin ang bawat exam, project, at kung anu-ano pa na may kinalaman sa pag-aaral namin.
Gaya rin na ibang barkadahan, minsan nakakaranas kami ng pagsubok. Minsan ay mayroong di pagkakaintindihan, kaya di maiiwasan ang awayan. Pero hindi namin hahayaan na iyon ang maging dahilan ng aming pagkabuwag, kaya inaayos namin ito kaagad. Isa pang pagsubok ay ang pag-alis ng ilan, dahil sa may mabigat na dahilan, ngunit ika nga "life must go on". Ang mahalaga ay naging parte sila ng aming ibang klaseng barkadahan. At hindi namin sila malilimutan kailanman.
Ang barkadahang ito ay nagdadamayan, lalo sa oras na may problema sa pamilya o kaya ay sa buhay pag-ibig. Dito ko masasabi na ang barkadahang ito ay nagdadamayan at nagtutulungan. Hindi namin hahayaan na ang bawat isa ay malunod sa kalungkutan, bagkus iisp kami na kaya naming paraan upang malutas ito, at upang muli naming masilayan ang ngiti sa mukha, nang kung sinuman ang nakakaranas ng kalungkutan.Nagpapatunay ito na nagiging lakas namin ang isa't isa.
Hindi matatawaran ang barkadahang ito. Sa tagal na nang aming pagsasamahan o mas masasabi kong pagmamahalan, lalo kaming tumitibay, dahil hindi lang kami magkakaklase, o magkakaibigan, kundi kami'y magkakapatid. Tunay na magbabarkada yan kami...Hiling ko lang na, na ang ibang klaseng barkadahang ito ay hindi kumupas hanggang sa pagdaan ng panahon...
-mAdz-
Mutuc, Madel S.

' Ang Tunay na Barkada '

' Barkada ' simpleng salita ngunit kung ating susuriin napaka- importante ng ginagampanan nito sa buhay ng isang tao. Ito'y isang salitang nagbibigay ng kahulugan sa ating buhay, magkukumpleto ng ating araw, minsan naman ay maghahatid ng kasiyahan o kalungkutan sa ating buhay o kaya'y laging nasa tabi mo at handang dumamay sa oras ng kailangan mo ng masasandalan kapag hindi mo na kaya ang hamon ng buhay. Ganyan naman palagi ang ginagampanang papel ng ' barkada ' sa ating buhay. Pero kung minsan kung mamalasin ka, di mo alam na ang napili mong barkada ay siyang sisira ng sarili mong buhay. Talagang ganyan ang buhay, walang perpekto sa mundo. Kung minsan kailangan mong maranasan ang lahat ng sakit na dala ng iyong barkada bago mo matutunan ang tunay na agos ng buhay. Ito lamang siguro ang magiging daan upang maging matatag ka at matututong tumayo sa iyong sariling paa.
Marami ang nagsasabi na ang kaibigan ay isang kayamanan na binigay ng Panginoon sa atin na hindi kailan man nabibili ng salapi. Napakapalad ng sinuman sa atin na makakatagpo ng tunay na kaibigan na ituturing silang parang tunay na kapatid, na handang ipaglaban sya sa kahit na anong pagsubok ng buhay o anumang gulo na maaari nyang makasangkutan. Sabi nga nila,ang pagkakaibigan ay parang isang halaman na kailangan pagbuhusan ng pagmamahal at pag- aalaga upang sa gayon ay mas lalong yumabong ito. At habang inaalagaan mo ito, mas lalong lumalalim ang relasyon ng bawat isa at lalong tumitibay ang pagsasamahan dahil lubos ninyong nakikilala ang bawat isa. Ngunit paano nga ba natin matatagpuan ang tunay mong kaibigan? Paano natin malalaman kung sya na ang tunay na kaibigan ating makakasama hanggang sa ating pagtanda?
Sa mundong ating ginagalawan, napakaraming kaibigan na ating makikilala. Kahit saang sulok ng mundo tayo magpunta,tiyak na makakikilala tayo ng mga bagong kaibigan na makakasama natin sa pagtahak ng buhay.Lalo na't kung ikaw ay mayaman at mapera. Ito lamang ang paganahin mo tiyak ang dami mong makakasama at magiging kaibigan ngunit kung ang mga ito ay wala na tiyak ay isa-isang mawawala ang mga kaibigan na ang tanging habol sa iyo ay salapi. Ang tunay na kaibigan, ay isang taong tunay na magmamahal sa iyo kahit anong klase ka pang tao. Handang damayan ka sa oras na gipit na gipit ka sa buhay at kaya kang ipagtanggol sa kahit na sino. Kung anumang ugali mayroon ka, panget man ito o hindi ay kaya niyang tanggapin ng buong-buo. At kapag nakatagpo ka nang taong may taglay na ganitong ugali, sya na ang tunay na kaibigan na pinagkaloob ng Panginoon sa iyo. Tandaan lamang natin ang mga tunay na kaibigan ay dapat pakamahalin at paka-ingatan dahil minsan lamang tayo makakatagpo nito.
***Santiago, Julie M.